since bata ako marami na akong naging pangarap sa buhay. minsan kong pinangarap na maging mekaniko nung grade 1-3 pa ako. nung grade 6, abogada at flight stewardess. then nung higschool businesswoman and advertiser naman. as i realized medyo tumuntong na ko sa lupa nung hs na ako kasi medyo makatotohanan na siya eh.. hehe..
college naman and until now, well kapalan na ng mukha pero artista and model! panis! hahaha! dream ko din na magkaron ng biillboard sa edsa! ayus!! simpleng panagarap pero mahirap abutin noh?? so ang nangyari nagyon, nakalutang na naman ako.. tsk.. too bad.. makababa na nga sa lupa ulet.. hehehe
ayan ang mga pangarap na tinatago ko lang sa sarili ko. pero ngayon alam na ng mundo. pero sa totoo lang yan ang mga pangarap na pansarili ko lang. pero syempre sa bawat pangarap ko gusto ko kasama ang pamilya ko. kasi naniniwala ako na "iiwan ka ng lahat pero hindi ng pamilya mo". kaya hanggang di ako nag-aasawa gusto ko kasama ko sila. mahirap, malungkot, nakakainis and nakakasawa minsan ang mga pakiramdam na nararanasan ko pag may mga bagay na nangyayari sa amin pero at the end of the day, masaya pa rin kasi buo kayo and magkakasama sa hirap. walang iwanan kumbaga.
simple lang ang gusto ko ngayon, na makapag-provide ako sa kanila. saka ko na muna iisipin ang sarili ko dahil sa tinagal- tagal ko sa mundong ito, lagi nila kaming inuunang magkakapatid, lalo na ng nanay ko na sobra sobra ang paghihirap at sakripisyo sa amin. kaya nga mahal na mahal ko yun sobra eh. the best na nanay sa buong mundo. :)
kaya kayo, love your family..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment