Sunday, October 7, 2007

i loooove pilipinas!!!

kahapon on the way na pauwi sa bahay from work sumakay ako ng lrt. on a saturday afternoon nagulat ako kasi sobrang dami ng tao sa tren. siguro 20 minutes akong naghintay para lang makasakay sa makakahinga naman ako. sa 3rd train sumakay na ko kahit na masikip pa din kasi gusto ko na talagang makauwi. grabe, nasa may pintuan na ako sa sobrang sikip. sa sobrang sikip magkakadikit na talaga kami ng sobra. sabi ko na nga lang sa isip ko "ang saya talaga sa pilipinas! lahat ng tao close". literally. bakit ko ito kinikwento?? kasi sa pangyayaring yun naisip ko na bakit nga ba masarap tumira dito sa Pilipinas at maging Pinoy??

maraming sumagi sa isip ko pero kung ililista mo parang hindi ko siya malagay lahat. despite sa dami ng mga pinoy na gustong pumunta sa ibang bansa ( isa na ako dun) at the end of the day mas pinipili pa din nila na umuwi sa 'Pinas para dito na tumanda.

isang factor kung bakit umaalis ang mga pilipino ay dahil sa hirap ng buhay dito. sinusubukan nila ang swerte sa lupang banyaga para mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang pamilya. nagtiis at nagpapakihirap sa isang lugar na bago sa kanila at milya ang layo sa kanilang pinanggalingan at mga mahal sa buhay. kung iisipin nating lahat, kung sana lang may mas magandang oportunidad sa kanilang sariling bayan hindi na nila kailangan na umalis ng bansa para doon magtrabaho. kung sana lang naging kasing yaman ng bansa natin ang amerika at mga bansang nasa europa wala ng ofws. sana lang...

nakaka-frustrate ang buhay dito sa 'Pinas pero marami din naman dahilan para mag-celebrate. mas pipiliin ko pa din na dito tumira habang-buhay. ang dahilan ko lang naman kung bakit ko gustong pumunta sa ibang bansa para rin kumita ng mas malaki. katulad ng dahilan ng iba.

pero since bata pa ako, mag-eenjoy muna ako sa yugto ng buhay kong ito. katulad ninyo, LET'S CELEBRATE!

p.s panalo si pacquiao kay barrera! galing!
p.p.s game 2: dlsu vs. ue (Go Ateneo! OBF!) :)

No comments: